Kung Sakali (ng Hindi Makarating)

This is Cielo’s painting in Sakaling Hindi Makarating (In Case They Don’t Arrive).  I’ve been chasing this movie since its opening and guess what? I didn’t had any chance or if I had, there were things that suddenly came up. This was before holy week. I had to go home up north and when I came back, it was gone in the theaters. It was shown in UP Cine Adarna (twice I think) but again I have work.

I really want to see Cielo and Paul and Manuel and the stunning search for the mysterious postcard sender from Batanes to Zamboanga. So, if this is still shown somewhere, please let me know?

 

SALAMAT.

 

IMG_1152[1]

Update (Jan 28, 2017) – Makakarating na rin. Showing na po sa Feb 1. Salamat. Sana’y masumpungan na ang hinahanap. 🙂

 

Advertisements

Tag-ulan

Hindi ito nagsimula sa masaya, sa makulay, sa nagniningning na liwanag ng araw.

 

Nagtagpo tayo sa ilalim ng ulan.

 

Naroon ako sa panahong ibinabangon ang sarili mula sa mga pangyayaring pinadapa ako; sa mga bagay na kusang nagpaalam kahit na pinilit kong wag bitawan; nang paglisan ng mga taong hindi mapapalitan ng kahit sino mang makikilala palang.

 

Nilapitan mo ako. Nagkwentuhan. Nalaman kong ang karamihan sa mga bagay-bagay minsan ay dumarating sa magkaibang tao, parehong pagkakataon. Parehas na sa lupa ang bagsak ng luha. Parehong dinadamdam ang pait ng buhay. At dahil sa tatag ng loob, kinaya, kinakaya ang lahat.

 

May kanya-kanya tayong laban na ipinapanalo. Nagtagumpay naman, nagtatagumpay naman tayo. Nanatili akong nakatayo sa tabi mo. Naglakad, sinusugod ang ulan at umaasang titila rin ito.

 

Nasa iisang payong tayo. Sabay ang bagsak ng paa sa daan. Ang hindi ko lang alam ay kung paanong hindi ko namalayan na may isang bagay na hindi na tayo sabay sa paglayo ng mga araw; isang bagay na mas dinig ko na kaysa sa tunog ng ulan. Mas malakas na yung tibok ng puso ko. Unti-unting nabuo yung bagyo, ang pag-ibig na nakahandang tumapos sa tiwasay ng kasalukuyan na meron tayo. Pinilit kong pigilin ang lakas nito pero bumigay ako.

 

May mga araw na gusto kong gisingin ang sarili, pahintuin ang mga paa, ‘wag nang tumuloy pero mas higit ang pagnanais kong makasama ka sa paglalakbay. At tulad sa isang totoong bagyo, nagtapos din ito. Muling lumiwanag ang kalangitan. Hinawi na ang mga ulap. Tag-init na. Doon tayo nawala sa tabi ng isa’t-isa.

 

Nagpagala-gala ako sa ilalim ng araw sa piling ng ibang kakilala, kaibigan at kapalagayang-loob. Naitawid ang bawat araw na wala ka ngunit hindi naglalaho ang pag-asam sa pagbabago ng panahon. Ng isa pang tag-ulan.

 

Dalawang buwan.

 

At heto, narito ka ulit sa tabi ko. Sa ilalim ng silong na sumasayaw sa hangin at paiba-ibang direksyon ng ulan, marinig mo na kaya ang hampas ng hangin, kulog at kidlat sa dibdib ko? Maramdaman mo na kaya? S A N A .

18 Pebrero

Pinakikiramdaman
mo ba ang mga sagot
sa mga tanong mo?
Yung gumagawa ka
ng sariling katapusan
ng mga kwentong
umiikot sa ‘yo
at sa ibang tao.
Ipipinid ng kusa
ang mga pintuang
may handa pang
pumasok.

Nakikipagkumpromiso
sa anong mayroon
sa ngayon;
hindi ng pag-asang
kahit katiting
man ay buhayin.
Higit sa kung
anong tinitibok
ng puso,
ipagsasapalaran
lamang ay manalo
sa tadhana,
sa oras,
sa pait ng nakalipas.

Nanaisin
mong magpatuloy
nang may lumbay,
maramdaman mo lang
na ika’y malaya na.

———-Mali ka ng inakala,
kailangan mong harapin
na tama sya,
ang dating pag-aari mo,
iyong-iyo pa rin..
walang nagbago, ikaw lang.

16 Pebrero

anong mali?
anong tama?

hindi na natin
alam kung
anong kakapitan.

gusto kong
kuhanan ng
litrato ang yung mukha
sa tuwina’y
nakangiti ka
nang dahil lang
sa presensya at
kanyang kakulitan.

ang mundo
mo’y tila gabi
naman na
walang ilaw
pag hindi na
mahagilap ni anino nya.
bumabalik sa dati,
nagkakasya sa sinag
ng buwan.

paano mo
haharapin ang
bukang-liwayway
sa ganito
kung patay-sindi
ang damdamin mo.

————lakasan
ang loob mo,
hindi nananalo
ang hindi sumusugal.

subukan mo namang
magpahatak sa kanya,
sa paglabas ng araw,
katanghalian, paglubog nito
at maging sa ikinukubli
mong mundo.

14 Pebrero

Ngayon ang araw
kung bakit ako
nagsusulat
araw-araw
ng Pebrero.

Feb-ibig.

Kung naniniwala
sya na araw-araw
ay New year,
dapat siguro
maniwala akong
araw-araw
Valentine’s day.

Namumula ang
araw na ‘to,
sa dinami-dami
ba naman ng rosas
na tila dangwa
ang mga kalye
ng Maynila.
Matutuwa
ang mga langgam
sa ilang tipak ng
tsokolate
na malalaglag
sa lupa.
Sa kabilang dako,
maramimg
lalagok ng
ampalaya shake
dahil wala
naman daw forever.

Tamis at
pait ng pag-ibig –
Nagpapatunay
lang na
nagmamahal ka.

——-Kumusta pala?
Nakaquota ka? May sahod ka
kaya bukas? Makakabawi ba?
(hahaha)

09 Pebrero

ayun, okay na ang music app ko.

eh di soundtrip na!

 

playlist:

-coldplay

-kaye cal

-bruno mars

-adele

 

pag pauwi ako,

kailangan yung

ma-emo..

iniintindi ko kasi yung lyrics.

 

in that way,

bumabalik yung mga

alaala, kung kailan,

kung para kanino

yung kanta.

 
——-ikaw, pag narinig

mo yung ‘someone like

you’, sinong naaalala mo?

 

masakit pa ba? o moved on na?

08 Pebrero

Otso. Infinity.
Naghahanap ka ba ng
Hashtag Forever?

Ang tanong ko lang,
handa ka bang magbigay
ng totoo, wagas
at hindi kumukupas na
pag-ibig mo?

Kung oo,
darating yan.
O nandyan na,
kailangan mo lang makita.

Ang Forever pinagtatrabahuan,
hinihintay, hinahagilap,
ipinapanalangin.

——–wag lang asa ng asa,
papatayin ka daw nito sabi
ni ate Vi.

Galaw-galaw.

05 Pebrero

kanina pa ako naghahagilap ng kwento
sa araw ko..

–blangko

kaya monologue nalang ng
single na tulad mo..

alam na alam ko yung pakiramdam
sa ngingiti ng buong araw,
tapos pag pauwi na at wala
ng dahilan para ngumiti,
balik sa dati.

yung nagsibalikan ang
insecurities mo..
“at bakit ako? kung sakali”
hanggang sa nawala na lahat
ng dahilan mo sa pag-asa
na kanina’y pataas na ng
pataas…

ewan, mas nakakasakit ba
ang pinaasa ka ng isang tao
o yung pinaasa ang sarili mo?

yung hindi pa nagsisimula,
tinapos mo na..

————alam mong pag-ibig yun

pinili mo lang wag tanggapin.

04 Pebrero

..hhww

ano ba ang una mong naiisip:
nag-iisa kang naglalakad
at may magkahawak kamay
sa harapan mo

papansinin mo ba kung sino
yung dalawang taong yun?

ako? mahal nila ang
isa’t-isa. Romantic,
filial, sibling-love,
protective..

ganun.
——-Hawak ko ang Puso Mo

(pangalawa na yung
paano ba naghawak-kamay?
pakialamera ako,
i don’t deny..haha)

02Pebrero

“Good morning!,” sabi nya.

Nag-angat ako ng tingin.
O, sya pala.
“Good morning,” sabi ko din
sabay ngiti.

Heto na naman si kulit.
Daming pinag-usapan
hanggang napunta sa
kabundukan.

USAPANG PICO DE LORO:

SYA: May part dun na resting
place..yung tawag alitaptap.

AKO: Ha? (Saan dun? Meron ba?)

SYA: Yung before ascent.

AKO: Ah, oo. Sarap mamahinga dun
pero hindi ALITAPTAP eh. (inisip ng
mabuti) Hindi talaga eh, wait.

(GOOGLED)

AKO: Ayun! ALIBANGBANG!

SYA: Oo nga..ALIBANGBANG!

—————PAREHONG PAHINA

Alam nyo pareho pero di nyo
matukoy kung ano ang tawag.
Parang pag-ibig lang,
nasa puso na, hindi pa
mawari kung ano. Aabutin
pa yata ng taon. 😀