Nakarating Din..

At simulan natin ang Pebrero sa paghahanap ng mga ninanais matagpuan..

Sa wakas, nakarating din.😊

#SakalingHindiMakarating20170201_235824-1

Advertisements

Kung Sakali (ng Hindi Makarating)

This is Cielo’s painting in Sakaling Hindi Makarating (In Case They Don’t Arrive).  I’ve been chasing this movie since its opening and guess what? I didn’t had any chance or if I had, there were things that suddenly came up. This was before holy week. I had to go home up north and when I came back, it was gone in the theaters. It was shown in UP Cine Adarna (twice I think) but again I have work.

I really want to see Cielo and Paul and Manuel and the stunning search for the mysterious postcard sender from Batanes to Zamboanga. So, if this is still shown somewhere, please let me know?

 

SALAMAT.

 

IMG_1152[1]

Update (Jan 28, 2017) – Makakarating na rin. Showing na po sa Feb 1. Salamat. Sana’y masumpungan na ang hinahanap. 🙂

 

14 Pebrero

Ngayon ang araw
kung bakit ako
nagsusulat
araw-araw
ng Pebrero.

Feb-ibig.

Kung naniniwala
sya na araw-araw
ay New year,
dapat siguro
maniwala akong
araw-araw
Valentine’s day.

Namumula ang
araw na ‘to,
sa dinami-dami
ba naman ng rosas
na tila dangwa
ang mga kalye
ng Maynila.
Matutuwa
ang mga langgam
sa ilang tipak ng
tsokolate
na malalaglag
sa lupa.
Sa kabilang dako,
maramimg
lalagok ng
ampalaya shake
dahil wala
naman daw forever.

Tamis at
pait ng pag-ibig –
Nagpapatunay
lang na
nagmamahal ka.

——-Kumusta pala?
Nakaquota ka? May sahod ka
kaya bukas? Makakabawi ba?
(hahaha)

09 Pebrero

ayun, okay na ang music app ko.

eh di soundtrip na!

 

playlist:

-coldplay

-kaye cal

-bruno mars

-adele

 

pag pauwi ako,

kailangan yung

ma-emo..

iniintindi ko kasi yung lyrics.

 

in that way,

bumabalik yung mga

alaala, kung kailan,

kung para kanino

yung kanta.

 
——-ikaw, pag narinig

mo yung ‘someone like

you’, sinong naaalala mo?

 

masakit pa ba? o moved on na?

01Pebrero

Naglalakad ako kaninang umaga sa may Ortigas.
Then, may isang sumulpot
sa harapan ko.
Ang tanong nya, “Saan ang — ?”
(Saan ang way papunta sa puso mo?)
Ang sagot ko, “Ha? Sorry,
di ko alam”
(Parehas tayong nawawala, naliligaw.
Paano na ang road to forever nyan?)

:p

———————Hello. I Don’t Know You.

Pangungulit. Pangungurot.
Buong buwan ng Pebrero.
Dahil nakatira ako
Sa Puso Mo.

Mga Piraso

Hilam sa luha

Ang malalalim kong mata

Hatid ng winasak na pangako

Binitiwan, nabasag, walang nakasalo.

Iniwan mong durog

Sa pinakamataas mo hinulog

Ngayo’y pira-piraso

Pusong pinagtaksilan mo.

Hindi mo man lang nilingon

Sa pag-alis mong wala sa panahon

Ang isang hindi handang tumugon

Sa pagbabagong ikaw lang ang nagsulong.

Dalawa tayo, dalawa rin kayo

Sa mundo nating tatlo

Nauna ako pero ipinatalo

Pinili mo sya, tapos ang kwento.

Magkagayunpaman,

Sakit ng damdami’y hahayaan

Mawala, lumamlam nang mag-isa

Maghilom, mabubuo ng sadya.

Hindi na kita mamahalin, sayonara!

wpid-20150912_200820.jpg

M.U.

Mag-isang umiibig. I had a lot of this. Yung pakiramdam na lagi nalang ikaw ang nasa isang dulo. Wala namang sumasalubong sa kabila.

Napakakumplikado. Minsan nawawala. Ang hirap buuin ulit ang sarili kung may nakapaglabas na ng puso mo. Lumilipad lang sa kawalan dahil wala namang may hawak nito. Yung taong pinagbibigyan mo maaring ayaw itong hawakan o kaya nama’y hindi nya nakikita na inaabot mo na pala sa kanya. Mararamdaman mong kulang ka. Hahanapin ang sarili, ang pirasong pinakawalan mo. Gagawin ang lahat matagpuan lang ang puso mong naglalakbay.

At sakaling mahawakan mo na ulit ito, itatali mo na ng mabuti. Magmamahal ulit, pero hindi na papayag na iabot ang puso na walang tali. Para kung sakaling hindi hawakan at tanggapin, mananatiling buo ka pa rin. Ang sakit lang ng mag-isa ngunit sadya lang talagang ganun ang pag-ibig. Hindi lahat masaya. Hindi lahat akma.

Malay Mo Lang..

Sa istasyon ng tren, bintana sa kabilang building, sa hallway kung saan umiiyak ka ng mag-isa (na akala mo lang), sa ilalim ng ulan at nakapayong ka, sa dyip dis-oras na ng gabi, sa nasirang elevator, sa holdapan sa bus, sa kasalan kung saan ikaw nalang ang natirang single sa tropa, sa tuktok ng bundok, dumarating ang isang taong magpapakilala ng mahika.

Isang mahika. Isang pag-ibig. Ang katotohanang nariyan ang taong yan sa harapan mo ay dahil binibigyan ka ng pagkakataong makilala, maramdaman ang bagay na nagpapasidhi ng tibok ng puso mo. Ang tanong: bibigay ka ba? Magpapatianod sa kapangyarihan nito? Susukuan o pilit na lalabanan?

May pinipiling magmahal, kahit na katapat nito’y rollercoaster na emosyon at kaganapan. May pinipiling magmahal kahit na tadhana na ang kusang humaharang. May pinipili ring maging duwag, sa pag-iisip na ang sasapitin ay katulad ng ibang sawi.

Sa isang segundo, sa isang ihip ng hangin, dumarating ang pag-ibig sa iyong pintuan. Maraming pwedeng gawin, maramdaman. May nagkamali ng pintong kinatok o kaya nama’y iba ang nagbukas. Isang beses, dalawa. Sa ilang ulit, hanggang kailan mo patutuluyin ang inaasam mo’t hinihintay? O kaya naman yung nagbabalik at nagpapakilala ng pangalawang pagkakataon.?

Anu’t-ano pa man, walang pag-ibig na nawawala. Nagbibihis lang ito ng bago, lumalamlam pero hindi namamatay. Maghintay. Sumugal. Maging matapang. Pasasaan ba’t nasa harapan mo na ang bigay Niya.

Sa Tabi Nya

isang gabi

sa tuktok ng gusali

nag-iisa,

humahampas ang hangin

tila

gusto akong ilipad

hulugin, tangayin

tulad ng pakiramdam ngayon

nagpapaanod sa alaala – –

dati, nandito ka pa

kasama kong nagmamasid..

sa kalaliman ng gabi

dalawang puso

ang nagising sa pag-ibig,

walang kapaguran

hanggang kinabukasan pa

uuwi…

pero bakit ngayon

napatingala akong mag-isa

sa ilalim ng buwan na panggabi

mga kulay abong ulap

ito’y ikinukubli

tulad ko, nagtatago

ayaw sumilay ng ngiti

pagkat kalungkutan ko

yaong mga ulap,

hawiin mo

dumating ka na

naghihintay ang puwang sa aking tabi…

Image0463