20 Pebrero

Nakahanda sana
kaming manood ng pelikula,
kaming tatlo.

Habang nakatingin
sa nilalanggam
kong mga kaibigan,
hindi ko maramdaman
yung inggit.
“Walang puso”?
Marahil, inaapuhap
ko na rin.
Pero teka,
yung puso ko
naroon naman.
Hawak nung dalawa.

Maano ba’t maging
dakilang tagasuporta
ka ng mga taong
sa tuwina’y mga kapatid
kung ituring ka?

——Nanaisin kong
maging tagabantay,
tagamasid sa ngayon.
Hindi naman malayo
(sana) yung pusong
handang magpahawak
sa aking mga palad.

Tawag ng tungkulin muna,
ang ate – at kaibigan.

Advertisements

13 Pebrero

Inuman ngayon.
Wala namang pasok bukas.
Maglalasing,
may dahilan para wag lumabas.

Kung kailan tinatamad ka,
tsaka may nagdatingan..
Yung barkada mong
maiingay at makukulit,
ayun..tapos
ang sentimiyento mo.

———–Single?
Hindi ako yun.

Totoong sinosolo
ko ang mga plano,
lakad at mga iniisip.
Pero sa puso,
“in a relationship” ako
sa apat, lima, anim,
hanggang sampung mga
tapat na kaibigan.

06 Pebrero

sa isang paglalakbay,
walang malayo sa

pagkakaibigang

tunay..
at mga kabaliwan,

kakulangan,

nag-uumapaw

sa katakawan..
ang unang tatawa,

dadamay,

maninipa, mananampal..

mangungulit..
—-kung saan pupunta
ituturo ang daan, sige lang

dahil ang buhay na meron

ka, nya,

wala ng balikan…

Aurora Boulevard

Naalala mo ba nung una
tayong maligaw? Alas dyes na
ng gabi. Hindi pa natin alam kung
saan ang tutunguing direksyon.
Nakarating pa tayo ng SM Cubao
kakahanap natin ng EDSA.
Ewan. Pakiramdam kasi natin noon
ligtas na tayo pag nakita si EDSA.
Ngayon, halos iniiwasan na.

Naglalakad ako kanina doon
sa tulay kung saan
“sa wakas makakauwi na!”
Alam mo ba ang naisip ko?
Limang taon na pala.
Kailan nga ba tayo huling nagkita?

 

Throwback

Throwback

Dig all memories

at magkwentuhan kasama

ang mga kaibigan..

realized what?

1. kalokohan ang unang-una

2. kung ilang beses mo pinagtawanan ang kaibigan bago dinamayan sa kapalpakan at kahihiyan nya

3. how you made through the dark days- his down moments and yours, fights, FO kunyari, confusion?

4. celebrations dahil nanalo ang team nyo sa basketball o kung ano man

5. cheats, sa mga guilty! (tingin nyo naisahan nyo yung prof nyo..sorry

sir/ma’am..hehe)

6. listahan ng crushes at Xs

7. at kahit next time, ulit, ikwekwento pa rin

–this is how i love throwbacks, memories do last, mga litratong di kumukupas, kulitan, inuman sessions!, kantahan with matching gitara, kwentuhang walang humpay..barkadang walang iwanan, mabuhay ang kinabukasan! (sabay i-play: nasaan na ba ang barkada ngayon)

Sa Aking Mata

Kapapanood ko ng Angel Eyes, eto ang resulta..

 

>>> 

 

Ang sabi nila, nakikita sa mata ang katotohanan. Pati ang laman ng puso. Kaya nga ba, naisipang i-dare ng barkada si Jessa at Macky na magtitigan. Ang unang sumuko raw, may pagtingin sa isa.Kahit hindi gawin yun, halata namang patay na patay yung isa. Mag-two-two minutes palang pero wala na si Jessa, bumigay na. Pulang-pula yung mukha nya. Tuloy, tawanan at maingay na kantyawan ang maririnig sa condo ni EJ, ang barkada naming may-ari ng tambayan ngayon.

“Ehem, may inonominate pa ako.”si Shannen. Akala ko, tapos na yung  game. May biglang nagtataas na naman ng kamayMay ibinulong pa ito kay Jake.

“Oo nga, yung magbestfriend dyan..”si Jake na ang nagpatuloy. Nagkatinginan kami ni Paul, wala namang iba maliban sa amin. Nagngitian kami.

“Come here MJ, Paul, ayaw pang magkusa eh, alam namang sila yun talaga.” Pinuntahan pa kami  ni Shannen  para dalhin sa gitna.

“Come on guys, grabe namang trip ‘to, wag nyo namang idamay yung friendship namin..”Pakiusap ni  Paul. Unusual ha? Naisip ko. May issue ba ‘to?

 

“Ay naku Paul, sport ka lang..”kinindatan sya ni Jake.

“Ok. Let’s do this..”sabi ko na pinagsalikop ko pa ang dalawang palad ko at nagstretch.

“Bahala ka nga..”Narinig ko yung pabulong na sabi ni Paul.

TIME STARTS NOW.

Paul and I were looking at each other’s eyes. My reflection on his. He has hazel-brown eyes. Ngayon ko lang napansin ang pinagkaiba ng kulay ng mga mata nya kumpara sa akin. He has three moles – two on top of his left eye, one on his jaw. Nakangiti lang kami. Nagme-make face pa nga ako, na parang kulitan lang namin nung highschool.

1MIN, 38 SEC

Unti-unting nawala yung mga ngiti sa labi nya..pero nandun pa rin yung ningning sa kanyang mga mata. Dahil dun, ginaya ko sya. Alangan namang ako lang ang nagmumukhang sira-ulo ng nakangiti. Seryoso na yung kaharap ko.

2 MIN 43 SEC

“ANG TIBAY AH!” may nagkomento sa may bandang tagiliran namin. Hindi ko matingnan kahit gusto ko. Kung ginawa ko, eh di talo ako.Mga loko kayo, matapos lang ‘to. Nag-iisip na ako ng maigaganti agad.

4MIN, 59 SEC

“MJ, ngawit na ako..ano na?” Iritable na yata si Paul pero di naman nakakunot ang noo nya. Kilala ko sya, kung inis sya, naniningkit na yung mga mata nya, kunot na kunot ang noo.

“Aba, ayoko nga. Ano na lang ang sasabihin ng mga ‘yan?” Never kong naisip magpatalo. Malamang di na ako lulubayan ng barkada ‘pag ako ang naunang nag-give-up.

“Eh kung ayaw mo, ganito na lang.” Nagulat ako nung mas lumapit sya sa akin. His stare was in effect, hypnotizing. “You have 1MIN to back out kasi ako, hindi ko kaya, hindi ko kayang isuko ang pagkakataon na ‘to. To tell you that we’re no longer just the bestfriends, yet, I don’t wanna lose you” Tanging naririnig ko na lang yung mga sinasabi nya. Naiintindihan ko but I was lost in his eyes.

“I am doing something I might regret pero I can’t fight this anymore..”Tumuloy-tuloy sya sa litanya nya na parang matagal na nyang ni-rehearse.

“MJ, Mahal kita. Matagal na matagal na.” Kinuha nya ang isang kamay ko at ipinatong yun sa dibdib nya. His heart was beating fast and loud.

“Ramdam mo ba? Ikaw ang dahilan nito.” Nanatili akong nakatingin sa mga mata nya. At alam ko, my heartbeats started to rhyme his. I was acknowledging same thing. Estatwa na ako, and before I could unfreeze, sya na ang unang sumuko. He took away his eyes from mine to slowly claim my lips. I closed my eyes. We just did surrender in love’s unexpected challenge. At sa harapan pa nilang lahat.

7 MIN 00 SEC

TIME’S UP!

————————————————————

Tumingin Sa ‘king Mata
Magtapat ng Nadarama
di Gusto ika’y Mawala
Dahil handa akong ibigin ka

kung maging tayo 


‘Sayo Lang ang Puso ko’

 

– Sa ‘Yo by Silent Sanctuary