14 Pebrero

Ngayon ang araw
kung bakit ako
nagsusulat
araw-araw
ng Pebrero.

Feb-ibig.

Kung naniniwala
sya na araw-araw
ay New year,
dapat siguro
maniwala akong
araw-araw
Valentine’s day.

Namumula ang
araw na ‘to,
sa dinami-dami
ba naman ng rosas
na tila dangwa
ang mga kalye
ng Maynila.
Matutuwa
ang mga langgam
sa ilang tipak ng
tsokolate
na malalaglag
sa lupa.
Sa kabilang dako,
maramimg
lalagok ng
ampalaya shake
dahil wala
naman daw forever.

Tamis at
pait ng pag-ibig –
Nagpapatunay
lang na
nagmamahal ka.

——-Kumusta pala?
Nakaquota ka? May sahod ka
kaya bukas? Makakabawi ba?
(hahaha)

Advertisements

08 Pebrero

Otso. Infinity.
Naghahanap ka ba ng
Hashtag Forever?

Ang tanong ko lang,
handa ka bang magbigay
ng totoo, wagas
at hindi kumukupas na
pag-ibig mo?

Kung oo,
darating yan.
O nandyan na,
kailangan mo lang makita.

Ang Forever pinagtatrabahuan,
hinihintay, hinahagilap,
ipinapanalangin.

——–wag lang asa ng asa,
papatayin ka daw nito sabi
ni ate Vi.

Galaw-galaw.

Isama Mo Ako

Wag mo akong iwan.

Sa isang tabi
iyong tatalikuran
paluluhain sa
walang awa mong
mga salita..

Pinagdidiinan mong
Ang baba ko
kumpara sa mga
hinahangad mo;
sa lahat
ng iyong mga ninanais..

Hindi sapat ang
bawat lambing
Yapos at
bukambibig na
pangalan mo..

Hindi mo
na inisip ang
pinagdaanan,
ang bawat araw,
linggo, buwan
at taon
na sabay nating
ikinasiya
sapagkat tayo’y
magkasama.

Hindi mo na ako
mahal,
hindi mo na kailangan:
ANG SABI MO.

Ngunit,
Narinig ko.
Ako’y iniingatan mo
lang, iniisip
mong ako’y maiiwan
lang ng iyong paglisan.
Hinding-hindi
na madadama kailanman.

Samantalang ika’y
iniiwas ako,
ako nama’y heto.
Isama mo ako
pansamantala.
Mamahalin kita.
Wala na tayong oras na
sasayangin.
Wala nang pagsisisihan.
Ikaw. Ako. Tayo.
Magtatapos ng ganito.

Forever at ang Paniniwala Mo

..habambuhay, ikaw at ako ay magkasama…

Kanta ni Yeng. Habang buhay lang. Yun ang sinasabi ng marami. Hashtag WalangForever. Marahil totoo. Totoo sa mga nagtatanggi ng pagkakaroon nito. Kung ako lang ang tatanungin, may hangganan ang buhay. Ang pag-ibig, sa iba’t-iba nitong anyo, nasasaksihan ang paglalaho at pananatili. May panandalian, huwad at wagas.

Panandalian. Sa unang pagkikita nahulog na agad ang puso mo sa kanya. Lumalim sa mga sumunod na araw na pagkakakilala ang pagtingin. At di mo namalayan, nakatingin na rin sya sa ‘yo. Sa totoo lang, pinakamatamis sa bawat namumukadkad na pagsinta ang pagtungo sa aminan. May mga nagtutuloy sa altar pero ang iba parang naakit lang sa isang magandang bagay, pagkuwa’y aayawan na. Napagtantong may ibang hinahanap. Maraming dahilan, maraming katanungan; mahirap sagutin.

Huwad. In short, wala. Katulad nito’y mga palsipikadong papel na hindi mawari kong kailangan ba o ano ba o bakit ba nagkaroon. Maaaring pansalo, panakip o pangbandera lang. Kailanma’y hindi magkakaroon ng makabuluhang kahulugan. Dahil ang kasinungalingan kahit gawan ng dahilan mananatiling kasinungalingan.

WAGAS. Walang makapagsasabi kung anu-ano ang mga pag-ibig na masasabing walang bahid o yung mga hindi magmamaliw. Marahil, ang katotohanan nito ay naroon sa mga nakadadama nito. Hindi lang ng dalawang tao, kundi ng bawat pusong sakop, nakapaligid at yakap-yakap ng pag-ibig na wagas. Nabubuhay kahit daanan man ng kamatayan at daluyong ng pagsubok. Hindi sumusuko. Walang pagkatalo. Laging nagmamahal.

Oo, may Forever. Naniniwala ako. Hindi kailangan ng pares para maramdaman. Ang pag-ibig naman, hindi nasusukat sa bilang, sa lugar, sa pagkatao, sa estado o kung sino ang nagbibigay at pinagbibigyan nito. Ang mahalaga, meron. At tunay.

wpid-20150830_153114.jpg