Reconciliating History and Art – Philippines’ National Museum and Paco Park

“To foretell the destiny of a nation, it is necessary to open the book that tells  of her past.”

(May 29, 2016) I am walking somewhere today I said on Instagram capturing my feet on a reddish cemented floor. There started a random walk along Manila particularly Luneta.

IMG_1958 (3)

I planned to go visit National Museum when I read an ad saying that the whole month of May is free entrance. And so, why not? I’ll only spend for transportation and I won’t afford to lose opportunity like that. As always, I went alone.

My initial plan was to attend mass at Manila Cathedral in Intramuros (I haven’t been there. Next stop.) I got into MRT Taft then LRT United Nations. Upon looking at the stations map, I realized that UN comes first before Central Station, where Manila Cathedral is. It was almost 10am and I should get off the train quick or else I’ll be late for the mass. Luckily, I searched through google map the other churches near the area. I found Paco Park at UN station then Gen. Luna St. What gets me excited to see this park is it became a shooting location for Starting Over Again (Toni Gonzaga and Piolo Pascual). I was expecting for the fountain, of course.

I got inside the church just as the mass was about to start. It’s a dome shape and I like how its small space made me feel closer to the strangers around and to God. I walked around after. At the marker of GomBurZa, I saw three men in costume – 2 guardia sibil and 1 like Rizal in black or was he a priest? I don’t know. Just examine the photo and tell me. Then, doves. It was nostalgic because I felt like I was in Boso-boso church in remote Antipolo again. However, I didn’t stay long. There’s still the main thing I have to do.

IMG_1928IMG_1932

IMG_1931

I rode a jeep again then alighted at a road crossing the National Museum. I asked the entrance and a man pointed at a building. I approached it. At the door, the guard asked me if I have a companion. I said no. She jokingly told me that she will give me companions and guys behind me overheard the conversation. They asked me to go with them and I said I’m fine alone (haha). I’m not a snob. I just prefer being alone in places like that. I wanted to stare more.

I went around that building (2nd to 4th or 5th floor?). I came across Spanish era, Filipino tribes and Filipinas among others. At the end, I wasn’t able to see what I was there for. Asan ang Spoliarium? (Where’s the Spoliarium?) Mission : A backfie with Luna’s Spoliarium. I asked a guard and he said, it’s in the other building. Whoooah, I was in the wrong building! That shouldn’t be the first (Museum of the Filipino people). Anyway, I went to the main Museum.

A long spiral line was at the entrance when I arrived (2pm). I got inside and yes, the Spoliarium is really glorious! I stayed more minutes in front of it and when I can’t ask somebody to take a photo of me, I decided to go into the galleries. Pure paintings, sculptures, arts are into those exhibits. Okay, I was captured by F. Amorsolo’s sketches. I was inspired somehow with what I sometimes do though, I wasn’t that good. I can do abstract sketches?hahaha

Back to the main exhibit, I really hoped I can get my mission fulfilled. With a glimpse outside, the rain already poured. I stayed longer and just watched people went by.

IMG_2040

IMG_2028

I was out by 4pm. I endured my rumbling stomach. And guess what? Mission failed. That’s a con for a soloist. Maybe, I’ll try harder next time. And I might consider one companion, too. I walked under the rain and went the way I was.

I treated myself to a super late lunch (or dunch) and a movie (Love Me Tomorrow) when I got home. It may not be 100% done as planned but hey, I really had fun.

 

Where to next? (I’m still on track with my Tungko Church visit.)

 

–Roma Pi

Advertisements

Mga Piraso

Hilam sa luha

Ang malalalim kong mata

Hatid ng winasak na pangako

Binitiwan, nabasag, walang nakasalo.

Iniwan mong durog

Sa pinakamataas mo hinulog

Ngayo’y pira-piraso

Pusong pinagtaksilan mo.

Hindi mo man lang nilingon

Sa pag-alis mong wala sa panahon

Ang isang hindi handang tumugon

Sa pagbabagong ikaw lang ang nagsulong.

Dalawa tayo, dalawa rin kayo

Sa mundo nating tatlo

Nauna ako pero ipinatalo

Pinili mo sya, tapos ang kwento.

Magkagayunpaman,

Sakit ng damdami’y hahayaan

Mawala, lumamlam nang mag-isa

Maghilom, mabubuo ng sadya.

Hindi na kita mamahalin, sayonara!

wpid-20150912_200820.jpg

Sya sa Akin

**sana masalinan na nya ng himig ‘to..

SYA SA AKIN

I.

isang umagang nagising
yakap ang sarili
hindi lilimutin ang panaginip
ibabangon ang araw..

II.

hahakbang unti-unti
madapa man,
hindi idadaing
tatayo lang uli.

Chorus:

para sa ‘yo
buo ang loob
aking susugurin
itatakbo
sa sikat ng araw
patak ng ulan
ako’y mananatili
mabubuhay
sa alaala mo..

III.

bibigyan ng kulay
ang dinadalang lumbay
lumilipas ang oras
kailangang maglibang
ipadadama ang pagmamahal mo
iaalay ang lahat..

IV.

hindi ko hahayaan
sa puso’y mawala
nandito ka lang
tataglayin kita…

**for my Nanang (mother), 1 year after she joined our Lord

Hindi Mo Alam, Hindi Ko Alam

Pauwi na ako giliw-

Hindi mo alam

Nawa’y matuwa

Pagkakita sa  akin.

Hindi ko nakalimutan

Aking dala-dala

Yaong matagal mo nang dinadaldal

Hindi mo alam

Aking kinakabisa.

Di ba’t paborito mo

Ang suha, alimango at mangga?

“Kung meron kayong bunga ng kakaw”

Sabi mo, “padagdag nalang sana”.

Bitbit ko mula sa amin

Hanggang pyer

Para lang sa ‘yo sinta..

Hindi alintana ang pagod

Papawiin naman ng iyong ngiti

Puso ko’y naghuhunos dili

Makikita ka na sa kaunting sandali.

Hindi mo alam

Habang papalapit

Sa iyong kinaroroonan

Mga eksena sa utak

Isa-isang nagsalimbayan..

Hindi ko na rin namalayan

Nasa tapat na ako ng iyong pintuan,

Hindi nakapinid ang pinto

At  dahil sorpresa, bigla kong itinulak ito.

Hindi mo alam,

Hindi ko alam

Nagkatinginan tayo

Parehong gulat

Hinde, mas gulat ako

Tatlo tayong narito

Nakataas ang kilay nya

Nakaistorbo yata ako..

Bumuka ang bibig mo,

“Siya si Elaine, girlfriend ko”

Anak ng pating

Para akong mapapraning..

Iniabot ko yaong dala

Sabay sabing pabigay ni lola,

Nagpasalamat ka

Na may kasamang tanong sa mga mata

Nasabi ko na yata?

Sumakabilangbuhay na si lola.

Alam mo, alam ko, alam mo na

Ngunit hayaan

Ako’y uuwing hindi luhaan

Babalik na lang kinabukasan

Kapag wala na,

Wala na syang nakapagitan..

#abanger ang PEG..haha

Hopeless Romantic o hopeLESS lang Talaga?

Sabi sa isang kanta, “though hope is frail, it’s hard to kill”. Hindi mamatay-matay. Kaya nga ba minsan, may mga taong sige lang. Pinapatayan na ng ilaw pero hindi pa rin sumusuko.

Materyal, pag-aalaga, proteksyon. Ibibigay kahit na ba buhay nila para sa taong minamahal. Baliw, martir kung ituring.

Ngunit, napapantayan ba? Sa tinagal-tagal ng pag-ibig na iniaalay. Sa kabila ng kadalisayan ng layunin. Sa anumang panganib na handang suongin. Minsan ba’y nakakuha ng ngiti? Ng tinging sa ‘yo lang nakaukol.

Hindi ba? Darating sa isang punto na napagod ka rin kakaiyak, kakahabol. Binubulungan ang sarili na hindi na kaya.

Marahil, kailangan ding magpahinga . Nahahapo rin ang puso. Paulit-ulit na nasusugatan, napupunit. Paano naman mabubuo ito? sa tuwing pipiliing magmahal, kalat parin ang mga piraso. Walang pupulot, walang bubuo ng kusa. Ikaw lang. Simulan mo na.

Oo Nga Naman

Some wine tasting..

>>>

Oo nga naman, hindi nga  pala tayo..hanggang dito  lang ako..

Masakit ang kantang ‘to pero gustung-gusto ko. It keeps me grounded. Hindi ako tanga, lalong hindi loka-loka para maniwalang magkakaroon pa ng “tayo”.

“Hi..ako si Ferrer, Joseph Ferrer.” Nag-abot ka sa akin ng kamay mo. Inuna mo ang apilyido mo, napansin ko. Malamang dahil dun ka kilala. Number 7, Joseph Ferrer, 5’8, soccer player sa kinababaliwan kong national team.

“I know.” Ngumiti ako at inabot ang kamay mo. Pinilit kong itago ang kilig. Bakit ba bigla mo nalang ako nilapitan. Tiningnan ko ang paligid, marami ang nakatingin. Nababasa ko ang inggit sa kanilang mga mata.

“So, how long were you watching us?” Tanong mo. Umupo ka rin sa tabi ko.

“1 year, happy anniversary to me..” sabi kong nasa baba ang tingin. Ayokong makita mo ang namumula kong pisngi. Ayoko ring mapagtanto mo na ako, yung babaeng laging nasa bleachers na sinisigaw ang pangalan mo at iyong nililingon, hinahanap kung nasaan. Ang walang tahas na nagmamahal sa ‘yo mula sa malayo.

“Icelebrate natin yan.” Nagdiwang ang puso ko.

“You can bring her too?” May itinuro ka.

Her? Sinundan ko ang direksyon ng iyong kamay. Si Marge. Ang kasama kong tila modelo kung makadala. Kung sabagay, high-heeled sandals, shorts, long legs, pwede nga. Biglang nagsibalian ng pakpak ang mga paru-paro sa tiyan ko. Alam ko na kung saan ito patungo.

Nilapitan tayo ni Marge. Nakipagkilala ka. Todo-ngiti kayong dalawa. Nawala ako sa eksena. Gusto kong sumigaw, nandito pa ako. Pagkatapos ng ilang minuto, binalikan nyo rin ako sa kung saan nyo ako iniwan.

Naulit nang naulit ang ganun. Nanunood ako kasama ni Marge. Ang pinagkaiba lang, nawalan na ako ng boses. Hindi literal kundi yung boses na pangalan mo lang ang kayang pagbigyan. Naging tahimik ako at minsa’y napansin mo. Ang sabi ko napaos lang ako, tumango ka lang.

Nariyan yung mga araw na ako lang ang nanonood. Nilalapitan mo parin ako. Ang sabi mo, nag-away lang kayo. Bilang kaibigan, nakikinig ako sa mga hinaing mo. At unti-unti rin, kasabay ng pamumukadkad ng mga bulaklak sa araw, nagsiliparan na naman ang mga paru-paro. Hindi ko na naman napigil ang sarili ko.

May mga pagkakataong nahuhuli rin kitang nakatingin sa akin habang kayo’y nasa isang tabi. Tama ba ako ng nakita? O mali lang ang tiyempo. Ayokong maniwala sa isang pag-asang sa simula palang ay wala naman talaga. Hindi ko gugustuhing magpatangay sa maling akala. Ayoko.

Nagbreak kayo. Sa isip ko, hindi mo na ako lalapitan. Pero ayun, kinausap mo parin ako. Sinabihan mo ako sa mga lakad mo, isinama sa bawat laro. Ano bang meron? Moving on ba? Natuwa ako. Sumilip ang kaunting sinag ng araw. Tuluyan ko ng isinuko ang pananggang pader sa dibdib ko. Nahulog ako sa ‘yo. Ng ilang buwan. You treated me with utmost care na akala ko’y tayo nga. Yun ang alam ko. Then, once..

“Mariane, I still got you despite everything. Thank you.” Hinawakan mo ang kamay ko. I thought you’re going to kiss it. Eto na naman ang daydreamer sa akin.

“We’re friends right?..” Napamaang ako. “Si Marge kasi, siya ang may gusto nito. Napansin nya kasing hindi ka na umiimik mula nung naging kami.” Confession nga ang gagawin mo.

“Minsan, nakikita nya akong nakatingin sa ‘yo. Ang sabi nya, baka lang daw may something ako sa ‘yo at sa mga nakalipas na buwan, pinagbigyan ko sya.” Unti-unti nagkakalinaw ang lahat.

“At nalaman ko, sya parin eh.. Sana friends parin tayo.” Parang nagsabayan ang kulog at kidlat sa loob ng katawan ko. Tinamaan ang puso ko at tila wala nang tibok. Hindi ako nagsalita. Tumango lang ako tsaka halos tumakbong lumayo.

Asan ba ako sa ‘yo, Oh asan ba ako sa ‘yo..nahihilo, nalilito..

Hanggang ngayon, pumupunta parin ako sa bawat laro mo. Magkaibigan tayo di ba? Masokista kung masokista. Pinagbibigyan ko nalang ang sarili na mahalin ka sa malayo at hindi ko na iisipin ang salitang “tayo” dahil may “kayo” na. Ang saklap pero ganun talaga.

</3

—-

Nagrereview kami kagabi ng mga

pinag-aralan nung college and eto nga.

“Don’t assume unless otherwise stated” 

Forever at ang Paniniwala Mo

..habambuhay, ikaw at ako ay magkasama…

Kanta ni Yeng. Habang buhay lang. Yun ang sinasabi ng marami. Hashtag WalangForever. Marahil totoo. Totoo sa mga nagtatanggi ng pagkakaroon nito. Kung ako lang ang tatanungin, may hangganan ang buhay. Ang pag-ibig, sa iba’t-iba nitong anyo, nasasaksihan ang paglalaho at pananatili. May panandalian, huwad at wagas.

Panandalian. Sa unang pagkikita nahulog na agad ang puso mo sa kanya. Lumalim sa mga sumunod na araw na pagkakakilala ang pagtingin. At di mo namalayan, nakatingin na rin sya sa ‘yo. Sa totoo lang, pinakamatamis sa bawat namumukadkad na pagsinta ang pagtungo sa aminan. May mga nagtutuloy sa altar pero ang iba parang naakit lang sa isang magandang bagay, pagkuwa’y aayawan na. Napagtantong may ibang hinahanap. Maraming dahilan, maraming katanungan; mahirap sagutin.

Huwad. In short, wala. Katulad nito’y mga palsipikadong papel na hindi mawari kong kailangan ba o ano ba o bakit ba nagkaroon. Maaaring pansalo, panakip o pangbandera lang. Kailanma’y hindi magkakaroon ng makabuluhang kahulugan. Dahil ang kasinungalingan kahit gawan ng dahilan mananatiling kasinungalingan.

WAGAS. Walang makapagsasabi kung anu-ano ang mga pag-ibig na masasabing walang bahid o yung mga hindi magmamaliw. Marahil, ang katotohanan nito ay naroon sa mga nakadadama nito. Hindi lang ng dalawang tao, kundi ng bawat pusong sakop, nakapaligid at yakap-yakap ng pag-ibig na wagas. Nabubuhay kahit daanan man ng kamatayan at daluyong ng pagsubok. Hindi sumusuko. Walang pagkatalo. Laging nagmamahal.

Oo, may Forever. Naniniwala ako. Hindi kailangan ng pares para maramdaman. Ang pag-ibig naman, hindi nasusukat sa bilang, sa lugar, sa pagkatao, sa estado o kung sino ang nagbibigay at pinagbibigyan nito. Ang mahalaga, meron. At tunay.

wpid-20150830_153114.jpg

DEACTIVATED

FB MESSAGES:

Click (HIM)

Type

Where have you been? Isang buwan ka ng nawawala. Wala na akong makausap ng liko-liko. HAHA. I miss your majestic writings at mga kagaguhan sa buhay. Yung katatanong mo kay XXXXX. Kung nasabi ko na. Yung mga nonsense na bagay, yung mga mala-aristotle na pag-iisip mo. Yung pre-halloween mong pang-gogood time. Yung mga text mong “Alak pa!, shot na!”. HONESTLY, I’m  drunk. Nalalasing sa pag-iisip kung nasaan ka. Wala man lang paalam. Hanger ka. Hoy!  wag kang magpapakita ng walang dalang alak at chichirya!

ENTER

–Ayaw?

— You cannot reply to this conversation

(Shocks! Nakalimutan ko, nakaDEACTIVATE pala sya)

M.U.

Mag-isang umiibig. I had a lot of this. Yung pakiramdam na lagi nalang ikaw ang nasa isang dulo. Wala namang sumasalubong sa kabila.

Napakakumplikado. Minsan nawawala. Ang hirap buuin ulit ang sarili kung may nakapaglabas na ng puso mo. Lumilipad lang sa kawalan dahil wala namang may hawak nito. Yung taong pinagbibigyan mo maaring ayaw itong hawakan o kaya nama’y hindi nya nakikita na inaabot mo na pala sa kanya. Mararamdaman mong kulang ka. Hahanapin ang sarili, ang pirasong pinakawalan mo. Gagawin ang lahat matagpuan lang ang puso mong naglalakbay.

At sakaling mahawakan mo na ulit ito, itatali mo na ng mabuti. Magmamahal ulit, pero hindi na papayag na iabot ang puso na walang tali. Para kung sakaling hindi hawakan at tanggapin, mananatiling buo ka pa rin. Ang sakit lang ng mag-isa ngunit sadya lang talagang ganun ang pag-ibig. Hindi lahat masaya. Hindi lahat akma.

Malay Mo Lang..

Sa istasyon ng tren, bintana sa kabilang building, sa hallway kung saan umiiyak ka ng mag-isa (na akala mo lang), sa ilalim ng ulan at nakapayong ka, sa dyip dis-oras na ng gabi, sa nasirang elevator, sa holdapan sa bus, sa kasalan kung saan ikaw nalang ang natirang single sa tropa, sa tuktok ng bundok, dumarating ang isang taong magpapakilala ng mahika.

Isang mahika. Isang pag-ibig. Ang katotohanang nariyan ang taong yan sa harapan mo ay dahil binibigyan ka ng pagkakataong makilala, maramdaman ang bagay na nagpapasidhi ng tibok ng puso mo. Ang tanong: bibigay ka ba? Magpapatianod sa kapangyarihan nito? Susukuan o pilit na lalabanan?

May pinipiling magmahal, kahit na katapat nito’y rollercoaster na emosyon at kaganapan. May pinipiling magmahal kahit na tadhana na ang kusang humaharang. May pinipili ring maging duwag, sa pag-iisip na ang sasapitin ay katulad ng ibang sawi.

Sa isang segundo, sa isang ihip ng hangin, dumarating ang pag-ibig sa iyong pintuan. Maraming pwedeng gawin, maramdaman. May nagkamali ng pintong kinatok o kaya nama’y iba ang nagbukas. Isang beses, dalawa. Sa ilang ulit, hanggang kailan mo patutuluyin ang inaasam mo’t hinihintay? O kaya naman yung nagbabalik at nagpapakilala ng pangalawang pagkakataon.?

Anu’t-ano pa man, walang pag-ibig na nawawala. Nagbibihis lang ito ng bago, lumalamlam pero hindi namamatay. Maghintay. Sumugal. Maging matapang. Pasasaan ba’t nasa harapan mo na ang bigay Niya.