27 Pebrero

gaya ng dati..

mahirap itapon
ang nakaraan,
sabi nga ni
kenshin himura.

ang pinagmulan,
ang pinanggagalingan,
ang punu’t-dulo ng lahat.

minsan, may
mga bahaging maliwanag..
minsan, may madilim
sa nakaraan.

may binalik-balikan,
tila bukal na
kuhanan ng tubig
kapag uhaw sa inspirasyon..

may pilit na ding
inaayawang wag dalawin,
mga bagay na
gustung-gustong
walain sa papel
ng buhay,
na tila hindi nangyari..
pero
ganun lang –
ang marka ay marka,
binubura man ng paulit-ulit,
may diin na,
nasayaran na ng tinta…

—–paulit-ulit sinasabi,
ang iyong kinabukasan
ay hindi maididikta ng
iyong nakalipas.

Maari bang tanggapin mo
naman ito?
-Kung ano man ang
naroon sa kasaysayan
mo, nasa iyo kung
paano mo ito gagamitin
sa hinaharap.
Maari ko lang
ipakiusap na sana,
sa tamang landas
ka mapunta.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s