Malay Mo Lang..

Sa istasyon ng tren, bintana sa kabilang building, sa hallway kung saan umiiyak ka ng mag-isa (na akala mo lang), sa ilalim ng ulan at nakapayong ka, sa dyip dis-oras na ng gabi, sa nasirang elevator, sa holdapan sa bus, sa kasalan kung saan ikaw nalang ang natirang single sa tropa, sa tuktok ng bundok, dumarating ang isang taong magpapakilala ng mahika.

Isang mahika. Isang pag-ibig. Ang katotohanang nariyan ang taong yan sa harapan mo ay dahil binibigyan ka ng pagkakataong makilala, maramdaman ang bagay na nagpapasidhi ng tibok ng puso mo. Ang tanong: bibigay ka ba? Magpapatianod sa kapangyarihan nito? Susukuan o pilit na lalabanan?

May pinipiling magmahal, kahit na katapat nito’y rollercoaster na emosyon at kaganapan. May pinipiling magmahal kahit na tadhana na ang kusang humaharang. May pinipili ring maging duwag, sa pag-iisip na ang sasapitin ay katulad ng ibang sawi.

Sa isang segundo, sa isang ihip ng hangin, dumarating ang pag-ibig sa iyong pintuan. Maraming pwedeng gawin, maramdaman. May nagkamali ng pintong kinatok o kaya nama’y iba ang nagbukas. Isang beses, dalawa. Sa ilang ulit, hanggang kailan mo patutuluyin ang inaasam mo’t hinihintay? O kaya naman yung nagbabalik at nagpapakilala ng pangalawang pagkakataon.?

Anu’t-ano pa man, walang pag-ibig na nawawala. Nagbibihis lang ito ng bago, lumalamlam pero hindi namamatay. Maghintay. Sumugal. Maging matapang. Pasasaan ba’t nasa harapan mo na ang bigay Niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s