Malikmata

Sa bawat hakbang

ng aking mga paa

nananatiling tanaw

ang iyong mukha

hindi maikubli

ang takot,

nangangamba

na baka sa pagkurap

bigla kang maglaho,

hindi ka na makita..

Ayokong masanay

sa pagmamasid

ngunit hinihila

mo ang aking mga mata

ang pusong nakakaramdam

ng kakaibang sigla

sa kakulitan mo,

ngiti at tinig

na musika..

 

Hihintayin mo ba

sasadyain ka

wag lang sanang

hadlangan

ng isip, nagsasabi ng

kung anong tama

sapagkat itong

pag-ibig na palagay

ko, maaring

isang malikmata,

tinitingnan

ngunit sa minsang

pagpikit,

pagmulat, wala ka na..

Ayokong alalahanin

na hindi ka totoo..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s